Thursday, July 17, 2008

Batch 10 Rocks!! - Part 1

It has been 6 months and we Lawson Business Consultant - Batch 10 deserve some merry-making. So Jem and I did some brainstorming and I asked him to extract until the last drop of his creative juices.

So we came up with a party gimmick and that is, holding an Awards Night. So here it goes:

“Unang Hirit Award”

Etong award na to ay mapupunta sa taong una pa gumising ke Arn-arn at ke Arnold Clavio. Adik sya, kasi as if di na sya natutulog. As the saying goes, Sleep is for the weak. Kung never kayo dumating ng 5:45 ng umaga sa office sa buhay nyo, sana naman wag nyo na asahan na sa inyo mapupunta tong award na to…

At ang mga nominado: RJ Danugrao para sa “Gahasain mo ang Lola Ko – Kwento ng Isang Construction Worker Part 55”, Bebang Raflores para sa “Akala Ko, Ako’y Una… Subalit Di Pala”, Enid Ruivivar para sa “The Swanny Swanster Story : bakit mo ko ginawang LSF ang aga-aga pa?” At ang nagwagi…… Enid Ruivivar para sa “The Swanny Swanster Story : bakit mo ko ginawang LSF ang aga-aga pa?"

“Kakambal ang Touch Card nung Ipinanganak Award”

Isa po ito sa mga major awards natin tonight. This goes to the person na nung ipinanganak, dalawa po ang chord na nakapulupot sa leeg nya… isang umbilical chord at isang telephone chord… di pa uso ang wireless kasi nun… kahit di mo na sya pakainin, painumin, papuntahin sa CR, paliguin… wag mo lang tatanggalin ang telepono sa tenga nya…

And the nominees are: Patrick Mendoza para sa pelikulang “Motorola Mola – Bakit Ka Laging Naka-vibramode Mahal?”, RJ Danugrao para sa ”Patayin Nyo Na Ako Please – The Untold Story Of Tancho Talulot…Ikaw ba Yan Ms. Anna?” and the final nominee, Lawrence Lusterio for “Hello? Hello? Magsalita Ka Naman! – Buti Na Lang Me Caller Id Kami Trilogy”.. and the winner is.. RJ Danugrao para sa ”Patayin Nyo Na Ako Please – The Untold Story Of Tancho Talulot…Ikaw ba Yan Ms. Anna?"

”Ano Ang Sinabi Ni JLO sa Wetpaks Ko Award”

This award came about po to give recognition sa isa sa pinakaseksing maglakad sa balat ng Lawson. Ang chismis nga po, insured daw po ang kanyang behind.

At ang mga nominees… Mich Reyes para sa pelikulang “Manhid Sa Kembot – The Zsa Zsa Picadilla Life Story”, Dimpz Agustin para sa ”Kahit Ilang Kembot, Hahamakin ang Lahat – the Uncut Version” and lastly, Haydee Mirador para sa pelikulang ”Bakit Mo Kelangan Halukayin ang Ube Ko? – Kakaluto lang Nyan.” At ang nanalo ay si… Haydee Mirador para sa pelikulang ”Bakit Mo Kelangan Halukayin ang Ube Ko? – Kakaluto lang Nyan."

“Pinatumba Ko ang Lahat ng Smurf Award”

Ito pong parangal na to ay nararapat sa isang miyembro ng Batch 10 na indi naging hadlang ang mga balakid sa buhay upang di nya maabot ang kanyang mga pangarap at ang mga bagay na nakalagay sa mga matataas na lugar. Lets pull a chair ika nga o kaya naman eh meron ba kayong hagdan?, ang kanyang favorite expression…

And here are your nominees… Nenette Vallefas para sa obrang “Ni-Ruler Kita Subalit Sobra – The Star Margarine Chronicles”, Rex Magdamo for the movie ”Mini Me – The True Untold Story” at si Jem Figueroa para sa pelikulang “Anak, Anak… Bakit ka Lumaki ng Ganyan?” At ang nanalo… Nenette Vallefas para sa obrang “Ni-Ruler Kita Subalit Sobra – The Star Margarine Chronicles."

“Pede Ba Kita Gawing Nanay Award”

Binibigyang parangal sa kategoryang ito ang taong bukas palad na tinanggap ang kanyang pagiging ina upang matustusan ang mga pangangailangan ng nakararami. Daig pa nya si tandang sora minsan na kulang na lang eh pati matres nya, ipambayad nya sa grocery me makain lang ang nakararami…

The nominees are… Alma Agustin for the movie ”Kaputol ng Isang Nanay – The Pasig Chainsaw Massacre”, si Rose Macugay para sa “Paano Ba Ang Maging Isang Nanay?” and finally si Ronn Cruz para sa pelikulang “Ang Misteryo ng Popcorn na Sunog – isang minutong impyerno!”… and the winner is… Alma Agustin for the movie ”Kaputol ng Isang Nanay – The Pasig Chainsaw Massacre.”

“Kelangan Bang Paulit Ulit Paulit Ulit Paulit Ulit Award”

Itong bukod tanging parangal na to ay nararapat sa isang miyembro ng batch 10 na hindi makuha sa isang salita. Sinabi mo na ng ana uuwi ka na sa buong floor, tatanungin ka pa uli nya kung uuwi ka na… Indi sya ubrang makuha sa tingin…

At ang mga nominado… Rizza Roxas para sa movie na ”Ulit-ulitin mo man, Masakit Pa Rin – The Salome Salompas Lifestory”… si Binibining Weng Erlano, isa sa ating mga specially nominated actress para sa pelikulang ”Eto Ang Quickstep, Ulitin Mo – The Webex Diaries of Purita Macaspac” and the final nominee, Ronn Cruz para sa pelikulang “Ilang Beses Ko Ba Susunugin Ang Popcorn? Ilang beses ba? Ilan? Ilan? Ilan?”. The winner is… Ronn Cruz para sa pelikulang “Ilang Beses Ko Ba Susunugin Ang Popcorn? Ilang beses ba? Ilan? Ilan? Ilan?”

“Ang Tunay na Cabalyero Award”

Ito pong kategoryang ito ang me pinakamaraming nominado. Kahit po babae, me nagqualify po para sa award na ito.

Ang batch 10 po ay kilala sa pagiging batch ng mga matitipuno at mga mala-adonis ang mga katawan. Ito pong award na ito ay para sa isang taong nagpakitang gilas sa pagganap bilang isang taong wala sa katinuan sa isang maselang pelikula… umaapoy ang lagablab sa tuwing siya ay maglalakad… maririnig nyo na lang ang mga tao na sumisigaw na nasusunog na ang carpet na nilalakaran nya… Indi po sya pang GP… mala-arsonist po ang level ng kanyang init…

Ang mga nominado… Patrick Mendoza para sa pelikulang ”Inay… Inay… Bakit Tatlo ang Aking Paa? – The Unrated Version”, Lester Galla para sa “Ako Si Dick – The Dick Ysrael Documentary” ,ang ikatlong nominado, si Edfel Santillan para sa pelikulang “Baked Tahong with Cheese and Garlic”, si Jonan Bernales para sa “Ng Gabing Nilunod Ko ang Mundo Mo”…at ang panghuli at isang surprise nominee, Alma Agustin in ”LUNOK”… the winner is… Patrick Mendoza para sa pelikulang ”Inay… Inay… Bakit Tatlo ang Aking Paa? – The Unrated Version.”

“NGASAB Award”

Ito pong parangal na ito ay para sa taong indi pedeng mawalan ng gana. Siya po ung tipong anumang pagkain ang subukan mong ihain sa harap nya, nakakatiyak ka na ito ay hindi nya pedeng patawarin. Batang tiki-tiki nung araw.

And the nominees are … Jem Figueroa para sa pelikulang ”Killer Orbitrax: Masama Bang Maniwala sa Home TV Shopping?”, Lawrence Lusterio para sa pelikulang “Darlington o Burlington?” at si Lester Galla sa pelikulang ”Huli Man Daw at Mapait…. Nginangata Pa Rin..”. And the winner is… Lester Galla sa pelikulang ”Huli Man Daw at Mapait…. Nginangata Pa Rin..”

“Lutuin Mo Ang Lelang Mong Panot Award”

Perfect na linya para sa award na ito ang dialogue na “Para Kang Karinderyang Bukas Sa Lahat ng Gustong Kumain!!!”. Itong award na to goes the member of batch 10 na di lang toxic sa kakatanggap ng Mods kasi lab sya ng mga PM kundi dahil din sa he has taken the whole new concept of Jollijeep into the E-Commerce era. Me mailing list pa sya…

The nominees are… Celeste Bansale for “Ang Gabi’y Ginagawa Kong Araw – Ang Hirap Mag-halaya”, Edfel Santillan para sa “Inubos Mo Na Naman Ang Mantika Ko” at finally, si Grace Patricio para sa “Paano Niluluto Ang Butong Pakwan”. Ang nanalo.. Edfel Santillan para sa “Inubos Mo Na Naman Ang Mantika Ko.”

“Mas Bongga Ang Bigote Ko Ke Manny Award”

Ang award na ito ay para sa miyembro ng batch 10 na ubod ng sexy ang appeal. Binibigyang parangal ang kanyang hilig sa pakikipagboksing tulad ni Manny Pacquiao datapwat mas maganda kadalasan ang tubo ng balbas nya kesa ke Manny. Kahit pa man me image sya na tough guy, ang taong ito ay me pusong marshmallow pa rin pagdating sa mga chicks.

Ang mga nominado… Aaron Flores para sa ” "Ng Kinamao Mo Ang Puso Ko - The Jerson Pianono Story, A Boxer's Tale", Haydee Mirador para sa pelikulang “Isang Linggong Awit at Ahit – Aahitan Kita, A Tita Midz Super Roadshow Presentation!”, si RJ Danugrao para sa “Pedrong Bigote at ang Magic Gunting”, and finally si Rizza Roxas para sa role nya sa pelikulang “Isandaan at isang Milyang Balbas”… At ang winner ay si… Aaron Flores para sa ” "Ng Kinamao Mo Ang Puso Ko - The Jerson Pianono Story, A Boxer's Tale."

Mukha Ka Ng Zero-Interest Award

Isang bagong bagong kategorya na pinaglabanan ng mahigpit ng ilang miyembro ng Batch 10. Ang award na ito ay para sa taong lahat ng gustong bilin sa buhay ay gustong idaan sa paylight.. Ultimo katol, gusto nyang nakapaylite…

Ang nominees…. Rose Macugay para sa “Gusto Kita….Pede Ka Ba I-PayLite?”… Aaron Flores para sa pelikulang ”Ibuka Mo, Ikakaskas Ko” at ang pinakahuli, Si RJ Danugrao para sa ”Winasak ng Muebles – Ng Kinain ng Machine ang ATM Ko”… ang nanalo ay si… Rose Macugay para sa “Gusto Kita….Pede Ka Ba I-PayLite?”

Ay…Anjan Ka Pala Award

Para sa miyembro ng Batch 10 na sa loob ng anim na buwan ay namuhay ng tahimik, sa sobrang tahimik di mo sya mapapansin. Bigla mo na lang mararamdaman na parang me dumaang tao sa tabi mo, pero paglingon mo, wala naman pala. Muntik na nyang talunin para sa role ng Hollowman si Kevin Bacon… Madalas mapagkalaman na sya ay lumaki kasama ang Dalai Lama sa Tibet…

Ang nominees ay sina Jem Figueroa sa pelikulang ”Ang Liit Mo Kasi, Muntik Na Kita Matapakan”… Nenette Vallefas para sa pelikulang ”The Nenentte Vallefas Story – Tatangkad Din Ako Someday” at si Lawrence Lusterio para sa pelikulang ”Dumating Ka Pala Subalit Lumisan ng Di Ko Nalalaman ”… Ang Nanalo… Lawrence Lusterio para sa pelikulang ”Dumating Ka Pala Subalit Lumisan ng Di Ko Nalalaman.

“Asan Ang Punchline Mo Lifetime Achievement Award”

Ito po ang isa sa mga pinakaprestihiyoso nating igagawad ngayong gabi. Ito po ay para sa miyembro ng Batch 10 na kahit na balibaligtarin ang mundo ay di tumatama ang punchline sa joke… Kadalasan po, bago marating ang punchline, kulay blue na sya kakatawa at di na nya madeliver ng maayos ang kanyang linya..

Ang mga naging nominado para sa ”Asan Ang Punchline Mo Lifetime Achievement Award” ay sina Lawrence Lusterio para sa “Pag Di Ka Tumawa, Sasaktan Kita”, si Rizza Roxas para sa pelikulang “Tapusin Mo Muna, Bago Ka Tumawa – Memoirs ng Isang Stand Up Comedian”, Patrick Mendoza in "Triple Cara: The True to Life story of Panchito, Palito and Cachupoy all in one" at si Enid Ruivivar para sa pelikulang ”Walang Pwedeng Tumawa. – Swanny Swanster Reloaded”… the winner is.. Rizza Roxas para sa pelikulang “Tapusin Mo Muna, Bago Ka Tumawa – Memoirs ng Isang Stand Up Comedian.”

Itututok Ko, I-Click Mo Award

Ang kategoryang ito ay para sa isa sa ating mga katoto na ang hilig ay mag POINT at SHOOT… di sya bastos… ang ibig nating sabihin ay ginampanan nya ang isang makabagbag damdaming pagganap bilang isang potograpo sa isang major motion picture..

Eto na ang mga nominees… Si Rex Magdamo para sa pelikulang ”Kunan Mo Ang Lola Ko Ng Hubad”, si RJ Danugrao para sa ”Nunal, Nunal, Nunal Sa Larawan” at si Mich Reyes para sa ”Ano Ang Kulay Ng Mata Ni Caridad Pakiling?”… Ang nanalo ay si… Si Rex Magdamo para sa pelikulang ”Kunan Mo Ang Lola Ko Ng Hubad.”

Malumanay Kong Mommy For All Seasons Award

Sa lahat po ng bumubuo ng Batch 10, meron pong natatanging tao na nais natin bigyang parangal sa araw na ito. Siya po ay gumanap sa role na isang nanay na tunay namang napakahaba ng pasensya. Di sya marunong magalit. Ang pasensya nya ay kasing haba ng titanic.

Ang mga nominado para sa Malumanay Kong Mommy For All Seasons Award ay sina… Celeste Bansale para sa ”Magtanim Ay Di Biro – The Britney Braganza Diaries”, Haydee Mirador para sa pelikulang ”Kutchain Mo Ako Sa Pamamagitan Ng Balahibo ng Kabayo” at si Lester Galla para sa pelikulang “Nanay Ko ang Nanay Mo na Nanay Nya na Nanay Nating Lahat.” At ang nanalo… Celeste Bansale para sa ”Magtanim Ay Di Biro – The Britney Braganza Diaries”

Kumain Ka ng Berde Award

Ang batch 10 po ay binubuo ng iba’t ibang klaseng karakter. Para sa kategoryang ito, bibigyang pugay po natin ang isang natatanging katoto natin na ang hobby ay tumakbo, magnakaw ng cereal, ngumasab ng madamong gulay at higit sa lahat, man-chancing sa pamamagitan ng yakap…

Ito po ang mga nominees…. Si Michelle Reyes para sa pelikulang “Itanim Mo Ang Quaker Oats Ko Sa Puso Mo”, si Edfel Santillan para sa pelikulang “Mantika Kong Gamit ay Walang Kolesterol” at si Bebang Raflores para sa “Ang Berde ng Mundo Ko… Gusto Mo Gawin Din Kitang Berde?”… At ang nanalo… Bebang Raflores para sa “Ang Berde ng Mundo Ko… Gusto Mo Gawin Din Kitang Berde?”

Ang Tunay Na Makaasta Award

Isa na naman pong major award ang ating ibibigay sa oras na ito. Indi po madali ang maging miyembro ng batch 10. minsan po, di maiwasan ang mga chismis at mga di kompirmadong balita. Ang next awardee po natin ang me tanging lakas ng loob na ituro ang mga salarin sa pamamagitan ng kanyang oh so extra sexy pouty lips, whether naka-smile sya or mad sya, POUTY pa rin. Ganyan sya talaga makaasta. Sya rin ay isa sa mga maituturing na pioneer sa pamimbento ng mga expressions na patuloy na kinababaliwan ng madlang ppol…

Ang nominees ay sina… Lawrence Lusterio para sa pelikulang “Kulang Lang Ako sa Salita… Try Mo Ko Sa Ibang Bagay”, Michelle Reyes para sa “Kapag Humilab Ang Tiyan – Ng Inabot Ng LBM sa Rampa Si Mimi Bandurya” at isang espesyal na nominado, Jonathan Ang para sa pelikulang “ Pinagkape ako kaya ako Nagkakaganito”– a feature film by RJ Danugrao.. and the winner is… Michelle Reyes para sa “Kapag Humilab Ang Tiyan – Ng Inabot Ng LBM sa Rampa Si Mimi Bandurya”

Magpa-Liposuction Ka Na Lang Award

Itong pong susunod na parangal natin sa araw na ito ay nararapat ibigay sa miyembro ng batch 10 na…. Uhm…. Di Naman daw sya overweight… Chubby lang daw sya. Nalilinya kasi sya sa mga supporting roles na ang ginagampanan nya ay either bulimic sya o meron syang anorexia… at datapwat di halatang me eating disorder sya, believable pa rin ang kanyang mga pagganap…

Ang mga nominado… Si Jem Figueroa para sa ”Calixta, Ang Girlfrend Kong Namatay Sa Gutom”, isang espesyal na nominado, si Anj Sahagun para sa pelikulang ”How I Ate Your Whole Family”, Enid Ruivivar para sa ”Tatlong Gatang sa Isang Upuan”, at si Lester Galla para sa pelikulang ”Being Lester Galla”… The winner is… Si Jem Figueroa para sa ”Calixta, Ang Girlfrend Kong Namatay Sa Gutom.”

Nunal Sa Paa Award

Itong next award po natin ay indi lamang exclusibo sa batch 10. Kumbaga po sa Oscars, parang ito po ung Best Foreign Actress in a foreign motion picture… Ang award po na ito ay nagbibigay pugay sa pagganap ng isang aktres upang mabigyang buhay ang role na maligalig sa layasan at kung sang lupalop nakakarating. Masahol pa siya sa me isang dosenang nunal sa paa. Bukod sa pagiging layas, kagilagilalas din na sa liit ng kanyang mga hakbang ay di sya nagpapaiwan sa obstacle races… Pero mind you… sa ginawa nyang pagaalaga sa batch 10, wala kang itulak kabigin kaya isa sya sa mga dearly beloved sa mundo ng Lawson Showbiz…

Ang mga nominado… Jennifer Aniston para sa pelikulang ”Haluin Mo Ang Sago Sa Samalamig Ko (English Title : Tapioca), Angelina Jolie sa ”Mas Malago Ang Damo Sa Baba ng Punso (English Title : Cinderella) at si Rowena Erlano para sa ”Maliit Man Ay Nakakapuwing Din (English Title : Thumblelina)… and the winner is… Rowena Erlano para sa ”Maliit Man Ay Nakakapuwing Din (English Title : Thumblelina).

Ang Bagong Lagalag Award

Tulad po kategoryang Best Foreign Actress kanina, meron po syang counterpart na Best Foreign Actor in a Foreign Film. Sa puntong ito, bibigyan nating parangal ang isang actor na kahit anong role mo sya pagampanin at kahit sang lugar ang shooting, go sya. Kaladkad dito kaladkad doon. Pede sya. Anytime. Isa rin sya sa mga tumayong inspirasyon ng Batch 10. Kumbaga sa industriya, haligi na sya. Parang ang batch 10 ang mga Ang TV kids at sya si Johnny Manahan…

Ang mga nominado… Tom Cruise para sa pelikulang ”Di Sya Talaga Mahaba, Maliit Ka Lang (English Title : Leather Belt), si George Clooney para sa ”Nagbabagang Paraisong Parisukat (English title : The Room Is On Fire”) at si Mr. Bing Dino para sa pelikulang “Ang Pagkakakaladkad Ke Maximo Kaladkarin (English Title : Party Boy)… the winner is… Mr. Bing Dino para sa pelikulang “Ang Pagkakakaladkad Ke Maximo Kaladkarin (English Title : Party Boy).

c',)

/mich
Taguig City

Labels: , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home